Lupit
By Daigdig_ng_Makata
24
0
0
  • Random
  • aira
  • christa
  • girls
  • jhoy
  • kabataangpilipino

Description

Palo Sa aking umaga'y gumising Tahimik kong daigdig Nabulabog nang palong kay lakas Hampas Sa aking balikat ay lumagapak balikat kong manipis biglang namula; bakat kamay na malupit Hataw Sa binti kong mahubog binti'y kong nangitin Nanghina, namaluktot Sa kahoy na pinanghataw Hagupit Sa katawan kong mura Kikod ko'y natamaan braso ko'y nahagupit ng sinturong masakit Hablig Sa akin ay nagpasandig Sa sulok ng kamang Magdamag kong pahingahan O bakit ganito? umaga ko'y bangungot sa among walang puso buhay ko'y mistulang 'mpyerno sa bansang banyaga Yakap ng pamilyang iniwan pangarap sa tuwina'y sabik na makasama sa bawat araw.

Lupit

Continue Reading on Wattpad
Lupit
by Daigdig_ng_Makata
24
0
0
Wattpad