Description
Limang taon nang namumuhay mag-isa si Arana, abala sa trabaho, subsob sa responsibilidad, at pilit kinakalimutan ang mapait na nakaraan. Limang taon na rin mula nang bigla na lang naglaho sa buhay niya si Jay, ang babaeng minahal niya nang buong puso. Tahimik na ang buhay niya ngayon. Maayos, simple, at payapa. Hanggang sa isang college reunion ang muling gumulo ng lahat. Akala niya, nakalimutan na niya ito. Akala niya, buo na siyang muli. Pero nang muli niyang makita si Jay, parang imahe ng kahapon ang biglang nabuhay- mga alaala, sakit, at damdaming matagal nang nilibing, unti-unting bumalik na parang ulan sa gitna ng tag-init. At laking gulat paniya nang malamanng ang bago niyang housemate ay walang iba kundi si Jay mismo... unti-unting gumuho ang mundong tahimik na niyang binuo. Ngayon, araw-araw niyang makakasama sa iisang bubong ang taong minsang hinahanap-hanap ng kaniyang puso. At sa bawat tinginan, bawat katahimikan, at bawat alaala. Unti-unti niyang mapagtatantong... hindi pa pala niya tulungan nakakalimutan ang pagmamahal na pilit nilimot. Minsan, akala mo tuyo na ang ulan sa puso mo... pero may bagyong paparating na mas malakas kaysa dati. Paano mo nga ba kakalimutan ang taong araw-araw mo na namang makakasama?
CHAPTER 1 - THIS IS IT.