Description
Tungkol kay Anna ang kuwento, isang mag-aaral na nakatuon sa modernong mundo at may pagbalewala sa mga tradisyon ng kaniyang Lolo, si Papsy. Si Papsy, na mahilig magkuwento tungkol sa kultura at paggawa ng tela, ay masinsinan na nagbabahagi ng mga aral ng nakaraan. Dahil sa agwat ng henerasyon, dahan-dahan na lumalayo ang loob ni Anna sa kaniyang Lolo, at hindi niya pinapansin ang mga kuwento nito. Nang pumanaw si Papsy, nakita ni Anna ang isang lumang kahon na may mga piraso ng lumang tela at isang emosyonal na liham. Sa liham na ito, naunawaan ni Anna ang tunay na halaga ng paggalang sa nakatatanda at ang yaman ng kanilang kultura bilang Asyano. Sa huli, maligaya niyang niyakap ang mga aral ni Papsy at natutunan niya na ang pag-unawa ang magpapatibay sa relasyon ng pamilya.
Ang Huling Liham ni Papsy