Description
Sa isang matandang propesiya batay sa pangitain ng mga propeta ng Xandorath, isang batang lalaki mula sa nasabing lupain - kasama ang isang hindi kilalang magiging kasangga - ang itinakdang magbalik ng kapayapaan sa apat na sagradong lugar. Isa na rito ang Xandorath, na bumagsak matapos maisiwalat ang propesiya. Kasama sa hula ang mga mawawalang mga Arkanith - makapangyarihang tagapangalaga ng bawat sagradong lugar. Isang misteryosong lalaki ang nagnanais mapasakamay ang mga Arkanith, lalo na ang Narelith - isang selyadong kapangyarihang nasa katawan ng batang nakaligtas sa paglusob ng kanyang mga tauhan. Samantala, sa bayan ng Lumino, Ang mga misteryosong dayuhan. Isinagawa ang isang lihim na ritwal upang ilihim ang kanilang pagkatao at protektahan ang sandata mula sa sinuman. Matatagpuan lamang ito sa isang lugar na walang sinuman ang nakakaalam, at mabubuksan lamang sa tulong ng isang bilog na bakal na susi. Ayon sa alamat, ang sandatang ito ay may malaking papel sa kapalaran - at pagkatao - ng sinumang magtataglay nito, depende sa tunay na nilalaman ng kanyang puso. Habang ang mundo ay unti-unting nababalot ng kaguluhan, ang dalawang bata ay kailangang hanapin ang kanilang pinagmulan, tuklasin ang katotohanan, at harapin ang kapalarang inilaan sa kanila. Ngunit kung ang kinabukasan ng mundo ay nasa kanilang mga kamay - sapat ba ang kanilang lakas upang harapin ang kasamaan? At handa ba silang harapin ang katotohanang matagal nang hindi nila alam?
Prologue
