Description
Halos isang taon na rin ang nakakalipas matapos na mangyari sa pamilya Castigo ang hindi inaasahang car accident nito sa La Union, ngunit nananatili pa ring palaisipan sa lahat ng tao kung paanong nabuhay muli ang nag-iisang anak nito na si Diego Castigo matapos na ianunsyo ng doctor ang oras ng pagkamatay nito. Dahil sa nangyaring insidenteng ito ay maraming mga haka-haka ang nabuo at pinaniwalaan ng mga tao. Maraming naniniwala at nagsasabi na baka hindi pa talaga ito ang itinakdang oras para sa binata. Nang dahil sa babaeng nagngangalang Cassandra Pelmares na bagong lipat sa paaralan ng Castillo de Integridad ay nagulantang ang lahat sa katotohanang kanilang nalaman, mayroon mang pagdududa at mahirap paniwalaan ngunit marami itong mga bagay na napatunayan. Ang nasabing babae ay hindi mahilig makihalubilo sa iba, mailap sa lahat ng bagay at parang laging may tinatago. Siya ang naging dahilan kung paano nakalaya si Diego sa kamay ng isang...
Notes
