Description
Started: 5/7/25 Ended: > "Hindi ko alam kung bakit ako laging nagra-rant sa account na 'yon. Wala namang sumasagot. Pero kahit walang reply, pakiramdam ko... naiintindihan ako." Ako si Solana. May mga araw na ayoko na. May mga gabing umiiyak ako habang nagta-type sa luma at abandonadong fan account ni Jeo Aven, isang sikat na singer na bigla na lang nawala sa spotlight. Yung account na walang sumasagot. Yung account na para bang patay na. Pero araw-araw pa rin akong nag-iiwan ng mga kwento. About my broken family. My failing grades. My anxiety. My life. Ang hindi ko alam... May isang taong tahimik lang palang nagbabasa ng lahat. Isang taong mas pamilyar sa sakit kaysa sa kahit sino. "I stopped singing for the world... but I never stopped listening to you." - Jeo
Disclaimer:
