Description
Bata palang si Avary Connor nang matagpuan niya ang “V Institute”. Hindi naging mahirap kay Ava na matagpuan ang lugar na ito dahil mahilig siyang lumibot sa Bayan na kinaanakan niya. Sa gitna ng mausok na gubat ay nakita niya ang isang mansyon. May apat na batang kasing edad niya ang naka-tira doon. Hindi niya pinansin ang kaduda-dudang lugar na tinirhan ng mga ito at mabilis na nakipag-kaibigan. Pero habang tumatagal, unti-unting napapansin ni Ava ang kahina-hinalang kilos ng mga kaibigan niya. Napapansin niya din ang ilang bagay na dapat ay hindi totoo. Sa bawat oras na mas napapalapit siya sa Institute ay mas napapa-kapit siya sa kamay ng kamatayan. Unti-unti na siyang nag hinala sa mga kaibigan at sa lugar na kinalakihan niya. Nasaan siya? Sino sila? Ano ba talaga sila?..... Sino ako? VAMPIRE SOCIETY. “Where looks can deceive you and truths can also be lies.” (c) Coolettii Genre: Fantasy, Vampire, Romance, Adventure, Action, Thriller, Mystery, Humor & Random