Description
"Hindi ko sinusunod ang batas. Sinusunod ko ang tama. At minsan, hindi sila pareho." Batas? Kailangan pa bang sumunod sa batas kapag aping-api ka na at nasa gitna ka na ng isang panganib? Kung saan mas kailangan mong lumabag dito? Hustisya ang kailangan ng nakararami, hindi pagsunod sa kung ano mang batas na sa huli ikaw pa ang mas naaapi. Karamihan sa mga estudyante ay sumusunod sa batas, mayroon din namang mga lumalabag sa batas. At may isang estudyante . . . na kayang baliin ang batas sa isang sulyap lamang. Si Thalassamira Yume Tsukihara ay isang tahimik, nerdy, at tila walang laban na transferee sa isang prestihiyosong eskuwelahan na kung tawagin ay KASUGAI INTERNATIONAL ACADEMY. Sa likod ng kanyang makapal na salamin at mababang boses ay may isang lihim na matagal na niyang tinatago, isang nakaraan na nilubog sa dugo upang makalimutan ang sariling pagkatao. At sa pagkagat ng dilim, muling aangat ang pangalang Kurohana. At ang mga bulong ng talim ay muling maririnig. Kenkai no Hane : Whispered Blades of the Justice [The Rise of Kurohana] @_aweSAMthings_
00 : Author's Note
