Description
Kailangan ba talaga ng description ang journal? Siguro hindi. Pero kung binabasa mo 'to, ibig sabihin curious ka na. Hindi 'to isang malaking memoir o life-changing manifesto-ordinaryong journal lang 'to, sinulat sa paraang hindi ko ikakatulog sa inip pag binalikan ko balang araw. Isang koleksyon ng mga random na iniisip ko, mga pagsisisi, at mga "what if" mula sa isang taong masyadong nagduda kung dapat na lang ba siyang nanahimik. Paano kung 'di na lang ako nag-volunteer? Paano kung mas nag-aral ako? Paano kung iba ang pinili ko-sa pag-ibig, sa school, sa buhay? Mas magiging masaya kaya ako? Ako pa rin kaya ako? Isa itong journal tungkol sa pagbabalik-tanaw, sa pagdududa sa lahat ng bagay, at-sana-sa pagsubok na makahanap ng paraan para makausad.
Entry 1. Adulting for 3 F years