Where It All Starte...
By Heizewrld
1.0K
1
2
  • Romance
  • bisexual
  • gayxgirl
  • gxgstory
  • romance
  • wlw

Description

Magkaibang mundo, iisang pag-ibig. Sa pagitan ng karangyaan at kahirapan, umusbong ang pag-ibig na walang kinikilalang hangganan. Ang kanilang pagmamahal ay hindi sinusukat ng estado, hindi rin ng mga pader na naghihiwalay sa kanilang landas. Isang pag-ibig na namumuhay sa mga anino ng paghuhusga, tumitibay sa bawat lihim na binubuo at bawat sandaling magkasama. Sa kanilang mga puso, nawawala ang agwat ng kanilang mga mundo, at tanging ang pag-ibig ang natitira, tunay, matatag, at walang hanggan. Ito'y isang pagmamahal na dumirig at lumalaban sa mga limitasyong itinakda ng mundo, isang pag-ibig na kasing lawak ng kalangitan at kasing lalim ng dagat. Sa kanilang mga mata, nawawala ang lahat, at tanging ang katotohanan ng kanilang pag-ibig ang nagtatagal, hindi matitinag na para bang wala ring katapusan. Sa isang mundong pinaghiwalay ng yaman at hirap, dalawang tao ang may magkaibang landas. Isang lumaki sa ginhawa, bawat hakbang ay planado at ginugol sa kaharian ng perpekto. Ngunit sa likod ng ngiti'y isang pusong sugatang dinudurog ng inaasahan at mataas na imahe ng pagiging perpekto. Sa kabilang dako. Isang mundong tinatahak ay yari sa pawis at pangarap. Pagod at kaba ang kasabay ng bawat hakbang, ngunit ang puso'y puno ng tapang at pag-asa. Sa isang sulyap, isang ngiti, at isang damdamin ang sumik, hindi maipaliwanag, ngunit buo at tapat. Habang ang kanilang koneksyon ay lumalalim, dumating ang mga pader ng mga matang mapanghusga, pamilyang may sariling plano, at takot na baka ang pag-ibig ay hindi sapat sa harap ng mga hadlang ng mundo. Ngunit paano kung sa gitna ng mga "hindi pwede," may isang "baka sakali"? Isang kwento ng pagkakatagpo, ng pusong natutong pumili, hindi ang madali, kundi ang tama. Isang pag-ibig na tahimik sa simula, ngunit malakas ang tibok, isang laban na hindi para sa lahat, ngunit para sa dalawang pusong handang magmahal, kahit bawal, at kahit na mahirap. Patunay lang na ang pag-ibig ang siyang bubuo sa kahit na sino.

Chapter 1

Continue Reading on Wattpad
Where It...
by Heizewrld
1.0K
1
2
Wattpad