Description
Namulat si Hadassah sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho at simula't sapul hindi nakapag-aral. At simula't sapul hindi nakilala ang kanyang ama. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya maliban sa dalawang kapatid nya na sina lara at leo. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaharap at lumalaban sa hamon ng buhay, walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong gustong manakit sa kanya lalo na sa sarili nyang ina. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Hadassah? Darating pa ba ang araw na matatagpuan at makikilala niya ang kanyang ama? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung nag mahal ka sa isang taong hindi naman dapat? Dahil langit at lupa ang pagitan? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit? At paano kung malaman nya ang pinaka-tatagong sikreto ng taong minamahal nya, kakayanin nya kaya itong tanggapin at patuloy na mahalin o ito ang magiging dahilan ng pag kasira ng kanilang relasyon? Salvatore's Brothers Series # 1: My Secret Child With Devron Keir Copyright (March 01, 2025)
Prologue
