Description
[Dark Fantasy | Yaoi | BL] "Hindi ko man maalala ang lahat kung bakit at kailan, ngunit alam kong matagal na kitang hinahanap, at nahanap na kita..." - Lionel (Hades University: Hell Unbound) ----- Matagal na panahon ang lumipas, matapos ang digmaan ng mga anghel at diyablo na naganap sa mundo ng mga tao, tinawag ito at kinilala sa buong mundo bilang Spiritual War. At sa paglipas nga ng panahon, isang penomena ang naganap, unti-unting nagkaroon ng kakaibang kapangyarihan ang ilan sa mga tao sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ang penomena ay sinasabing epekto ng natapos na Spiritual War, ngunit hindi ito isang daang porsiyentong sigurado. Sa takot ng iba namang hindi nagkaroon ng naturang mga kapangyarihan, inilunsad ng lahat ng pinuno ng mga bansa ang isang institusyon na gagabay sa mga nagkaroon ng kapangyarihan upang magamit lamang ito sa kabutihan. Ang institusyon na ito ay nagtayo ng unibersidad sa bawat mga bansa sa layuning matipon nila ang lahat ng mga taong may kapangyarihan, na tinawag nilang Awakens. Ngunit hindi lahat ng Awakens ay tinuturing na biyaya ang kapangyarihan, ilan sa kanila ay tinuturing itong sumpa. Hindi rin lahat ng Awakens ay nagnanais gamitin ang kanilang kapangyarihan sa kabutihan, may ilan sa kanila na pansariling kapakanan lamang ang mahalaga. Lingid sa kaalaman ng mga tao, si Persephone, ang tinaguriang reyna ng Impyerno, ay nagbabadya ng isang panibagong digmaan upang muling ibalik sa eksistensiya ang kanyang hari, si Hades. ----- Ang Hades University: Hell Unbound ay ang ikalawang libro ng Hades University series, orihinal itong pinamagatan na Hades University: Hell Reborn ngunit dahil sa pagnanais kong irebisa at baguhin ng mas naaayon sa aking istilo ng pagsusulat ang kwentong ito ay binago ko rin ang pamagat upang mas bigyan ito ng bagong mukha. Ang kwentong ito ay orihinal at likha lamang ng aking malikot na imahinasyon, ano mang pagkakahalintulad nito sa tunay na buhay ay pawang nagkataon lamang. Adamant
TEASER
