Description
Sabi nila mas mahirap ang makalimot kaysa ang magpatawad. Piliin mo mang magpatawad ngayon, hindi mo pa rin naman makakalimutan ang mga masasakit na alaalang iniwan nila sa'yo. Pero... Kung totoong nagmamahal ka, magpapatawad ka. Kung totoo ang pagmamahal mo, matututunan mong tumanggap at kalimutan nalang ang mga pananakit sa'yo. Beatrice was already devastated and disappointed by the family she thought was perfect. Ang inakala niyang masayang pamilya ay puno pala ng kasinungalingan at pagpapanggap. But it didn't stop there. She was deceived, over and over. Makakaya pa rin ba niyang magpatawad at muling tumanggap kung lahat nalang ng mahahalaga sa kaniya ay paulit-ulit siyang dinudurog? Hanggang kailan niya pagbabayaran ang bagay na hindi naman dapat niya nararanasan? Hanggang kailan siya ikukulong sa mundo ng kasinungalingan? (Soon)