Description
"Kung kaya ng iba, then sa kanila ko na lang ipapagawa." Si Luico Banoy Broqueza ay isang labimpitong taong gulang na binata na may takot sa pakikisalamuha sa ibang tao o Social Anxiety Disorder. Hangga't maaari ay hindi siya tatapak sa labas ng kanilang bahay kung hindi kinakailangan. Sa kabila nito, nang mag-aral siya sa isang pribadong eskwelahan para sa Senior High School ay muli niyang naramdaman ang magkaroon at maituring na kaibigan. Napabilang siya sa magkakaibigang Lizzy, Abby, at Ven. Lingid sa kaalaman nila ay isinasawalang bahala na lang ni Luico ang mga mensahe mula sa isang hindi kilalang tao, pero simula nang um-aksyon ang "anonymous messenger" ni Luico ay hindi na naging katulad ng dati ang buhay niya. Naapektuhan ang kalusugan ng kaniyang ina, ang pagpapatuloy niya sa pag-aaral, pero ang pinakahigit sa lahat ay ang pagharap niya sa kaniyang takot. Kapalit nito ay ang pananatili niyang kasama ang tatlo niyang mga kaibigan. Makakaya ba ni Luico na humarap sa mga estranghero, ang makipag-usap at makisalamuha sa kanila? O mas kakayanin niyang mapalayo sa mga kaibigan niya? *** This story is not professionally edited. Expect errors of any sort.
Author's Note
