Description
Habang nagpapatuloy sa kasalukuyang buhay si Aniela ay may dala-dala pa rin siyang bigat sa dibdib dahil sa masaklap na nakaraan. Kahit araw-araw ang pasok ng schedule niya bilang nurse sa hospital ay hindi nito mabubura ang kirot. Naka-move on at naka-move forward na mga taong involved sa buhay niya dati pero siya... Umaasa na maibabalik ang dati para maitama ang mga nagawa niyang mali. Ngunit, habang dumadaan ang mga araw pa ay nawawalan na siya ng pag-asa na maitama pa ang mga pagkakamali niya na sobrang nakasakit ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Bakit nga ba umaasa pa siya? Ito ay dahil gusto niyang humingi pa ng maraming kapatawaran sa mga taong sinaktan niya; kaibigan, kaklase, pamilya, at sa iba pang minamahal at huli na niyang pinahalagahan. Sa sobrang kinakain siya ng guilt at sakit mula sa nakaraan ay hanggang ngayon naka-tatak sa isip niya na lahat ng kamalasang nangyayari sa buhay niya sa araw-araw na journey niya ay karma niya. Na lahat ng binibigay na pagsubok sa kaniya sa buhay ay karma. Kahit nagbago na siya at patuloy na nagbabago ay hindi nito mapapalitan ang sampal ng katotohanan na sa ugali niya dati kaya siya kinamumuhian at iniiwan ng karamihan.
Prologue
