Description
Ako ang inyong mahaderang reyna. Reyna na amoy bilasang isda. "280?" Hindi pa man tirik ang sikat ng araw sa umagang ito, nauna ng tumirik ang mata ko sa kapilosopohan ang unggoy na ito. Sinabi ko na ngang isang kilo ay 250, e lumagpas ss isang kilo ang kanya kaya naging 280 tapos magtataka. Napatitig ako ng bahagya sa kanya. Well ang totoo nyan gwapo naman tong nasa harapan ko, maputi ang balat, msy pagkasingkit ang mata, manipis na labi at matangos na ilong. "Di ba pwedeng 200 na lang" Nawala ang sandaling pagpapantasya ko ng marinig ko ulit ang hirit nito. Mula sa timbangan ay binawasan ko ng dalawang piraso ang isda nya. Agad kong nakita ang panlalaki ng mata nya at mga kilay na bahagyang tumaas, nakaarkong tila ngtatanong sa naging aksyon ko. "Pwede namang 200. Yan binawasan ko na para sakto sa 200 na gusto mo" " Lilinisin pa ba?" Tanong ko agad sa kanya.