TULA NG MAKATA
By Kiannasham
16
2
0
  • dontjudge
  • enjoy
  • expirence
  • ouch
  • poetry
  • readplease
  • reallife
  • relatable
  • sadpoetry
  • supportme

Description

Sa ating kwento, ako'y iyong ginusto. Ngunit sa laban ng pag-ibig, ako'y iniwan mo. Sa mga sandaling puno ng pag-asa at pangarap, Bakit di mo ipinaglaban ang ating hinaharap? Sa bawat ngiti mo, ako'y nahuhulog, Sa bawat haplos mo'y parang nais kong matulog. Sa mga titig mong puno ng pangako, Sa mga kataga mong magiging tayo hanggang dulo. Ngunit sa likod pala ng iyong mga salita, pagdadalawang isip namumutawi. May takot na nagtatago, may pangambang nakabilanggo. Tila ba ang puso mo'y nahahati, Sa pagitan ng pag-ibig at pagkatuliro, Kung ipagpalatuloy ba o ihihinto. Sabi mo ako'y mahal mo, ngunit natatakot kang gampanan ito. Nais mo akong yakapin, ngunit sa iyo ay parang may pumipigil. Nais mo akong hawakan, ngunit para kang nahihirapan. Nais mo akong lapitan, ngunit paa'y di maihakbang. Ang mga pagkakataon, tila naglaho sa hangin. Dahil takot di mo kayang hamakin. Hito ako naghihintay sa wala, Ano nga bang magagawa, kung takot ang nananaig sa iyong diwa. Kung kailan na nahulog na ako, Kung kailan handa na akong maging kabiyak mo, Doon ka naman naduwag, at isinuko ako. Paano natin malalaman kung di naman natin susubukan? Paano mananalo kung ang isa'y sumusuko? Kung hindi man ito uubra, at di tayo naging masaya, at least sinubukan nating maging isa. Ngunit tulad ng iba, Ako'y ginusto, ngunit hindi pinursue.

TAPOS NA ANG ATING KWENTO

Continue Reading on Wattpad
TULA NG M...
by Kiannasham
16
2
0
Wattpad