Description
Herozomia Arc "The ocean is calling me, the waves and the current. I don't want to sleep dreaming the same thing! It hurts!" Sa lahat ng mga nagdaang pagsubok, hindi na alam ni Lara kung paano niya nalagpasan ang mga bagay na 'yon. Ang alam lang niya ay naniwala siya sa kaniyang sarili at sa mga kaibigan na meron siya... at sa mga nilalang na naniniwala sa kaniya. Ang alam niya ay nagmahal siya ng lubos at 'yon ang dahilan kung bakit niya nalagpasan ang mga pagsubok na siyang hindi niya aakalaing malalagpasan niya. Pagmamahal mula sa pamilya, sa kaibigan, sa mga naniniwala sa kaniya, sa kaniyang asawa at sa kaniyang mga anak. Sila ang naging lakas niya. Ngayon, hindi na siya magtataka kung may mga pagsubok na naman ang daraan pero kahit kung meron man, alam na niya kung saan lulugar at lalaban. Alam na niya kung paano kikilatisin at kung paano magiging matapang.