Description
"What death taste like?" May pitong magkakaibigan na nagtungo sa bayan ng Sangriento. Dito, natagpuan nila ang Infernus Tormentorum-isang karnabal na patok sa madla. Ito ay may kakaibang pagtatanghal: ang mga tao ay humaharap sa kahindik-hindik na kamatayan. Ngunit nang matuklasan ang malagim na katotohanan sa likod ng mga naturang pagtatanghal, napagtanto nila na ang pinakamatinding hamon ay ang laban sa mismong kamatayan. Sa harap ng nakahandang kapalaran, kaisa-isang tanong ang pumukaw sa lahat: Matatakasan pa kaya nila ang bangungot na nararanasan, o tuluyan na silang mahuhulog sa bitag ni Kamatayan? Isang kwento ng pagtuklas, pagsubok, at ang kahalagahan ng pagkakaibigan sa harap ng kamatayan. Maligayang pagdating sa Infernus Tormentorum, kung saan ang buhay at kamatayan ay naglalaro!