Time
By KceeDreamer
54
0
1
  • Random

Description

Nag-beep na naman ang phone ko. Sigurado akong si Best na naman yon. Kanina pa kasi siya text ng text. ''Best, how are you? I've been texting you all day.'' Text niya for the 'nth time. Gusto niya kasing ikwento sa akin na may panibago na naman siyang achievement. Ganon siya lagi, at ganon din ako sa kanya. Ginagawa naming Diary ang isa't-isa. The living, laughing, and crying diary. College days ng mag-krus ang landas namin. Kasagsagan ng ulan noon ng mag-drill kami sa ROTC. Ramdam kong nanginginig na ang mga tuhod ko. Any moment alam kong babagsak na ako. Then she came. ''Santiago! Ok ka lang?'' tanong niya habang nakatitig siya sa akin. Hindi na ako makapagsalita sa sobrang hilo kaya umiling na lang ako. Buti na nga lang CNCO/Platoon Leader kami kaya malaya kaming lumakad-lakad habang may drill. ''Medic! Medic! '' sigaw niya sa mga medics na nakatambay sa shed. ''Kumapit ka sa akin Santiago.'' inalalayan niya ako habang hinihintay namin ang medics. Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin. Dinala nila ako sa Grandstand para makapagpahinga at di mabasa ng ulan. Hindi naman ako nagcollapse kaya dinig ko ang pagkataranta ni Romero. Dali-dali niyang hinubad yung coat at combat shoes ko. Saka niya ako pinainom ng tubig. ''Nilalagnat ka, dapat hindi ka na nag-drill, tsk!'' sermon niya habang pinapainom ako ng tubig. We're not close that time. Tanging apelyido lang ang siyang pagkakakilanlan namin. Isa siya sa mga ginagalang na Platoon Leader sa batch namin. Hindi siya yung tipong magbibigay ng punishment sa mga kadete na hawak niya. Bibihira din siyang magalit. Lahat sila sinasabing mabait siya kaya pati mga COCC namin ka-close niya.

Untitled Part 1

Continue Reading on Wattpad
Time
by KceeDreamer
54
0
1
Wattpad