Description
Palaisipan sa pamilyang Arlantico kung bakit ang isang mabait, hinahangaan, at maaasahan sa lahat na estudyante, anak, at kapatid ay nakaranas ng isang karumal-dumal na aksidente. Si Louie Kurt Arlantico ay mas kilala bilang isang lonely boy madalas na pinipili ang mag isa ilag sa tao, dahilan para maging misteryoso ang tingin sa kanya ng iba, ngunit dahil sa naganap na aksidente dalawang taon na ang nakaraan sa campus na pinapasukan ng kaniyang ate na si Louishianna Klein Arlantico, ito ay nagsilbing daan upang mag-aral siya sa school na pinapasukan nito, ang Memoir College, upang kanyang malaman kung ano nga ba ang dahilan sa likod ng aksidenteng nangyari dito. Ang kaso, kung kailan malapit na niya matuklasan ang katotohanan ay tsaka naman niya nakilala si Annika, ang kanyang isang ghost friend. Paano kung mahulog ang loob niya ng tuluyan dito? May pag-asa pa kaya na maging isang masayang magkasintahan sila o mas pipiliin na lang niya ang mabuhay ng normal na kung saan walang Annika Vasquez sa mundong meron siya?. Is he ready to love across two world.