Allastor Frauzz(Raw...
By NimrodAlfheimr
2.1K
445
59
  • Fantasy
  • anime
  • cultivation
  • elves
  • level-up
  • levels
  • levelup
  • male-lead
  • mmorpg
  • mobsterhunting
  • monsterhunter
  • monsters
  • otaku
  • rpg
  • swordartonline
  • system
  • vrmmo

Description

Sa isang Mundo kung saan ang mga halimaw ay namamalagi, doon ay mapapansin ang isang maliit na pamayanan. Nakatayo ang pamayanan na ito sa Gitna ng masusukal na kagubatan, at ang pamayanan din ay inuukupa ng mga Mortal bilang kanilang Tirahan. Kung titingnan ang pamayanang ito mula sa himpapawid, masasabi mo na magaganda ang mga nakatayong imprastraktura rito. Ang matangkad na pader na nakapalibot sa buong pamayanang ito ay kahali-halina rin. Ganoon pa man, mapapansin na ang ibang bahagi ng matangkad na pader ay mayroong malalaking mga bitak. Ginagamit ang pader na ito bilang kalasag sa taunang pag-atake ng kulupon ng mga halimaw. At ang mga bitak na mapapansin sa Pader na ito ay patunay lamang na hindi biro ang Pag-atakeng ginagawa ng mga halimaw sa pamayanang ito. Sa kabilang banda, alam ng mga mamamayang ito kung paano nila sinimulan ang pagbuo ng pamayanan mula sa gitna ng mga gubat... Nagsimula sila sa kaunting pupulasyon -- hanggang sa dumami na ang kanilang bilang... Alam din ng lahat ang nangyari noong nakaraang mga siglo. Alam nilang lahat na muntik nang maubos ang kanilang populasyon noon, at ito ay dahil sa pagdagsa ng malalakas na mga halimaw. Nagpasalin-salin ang kuwentong iyon mula sa kanilang mga Ninuno, at magpahanggang ngayon ay pinanghahawakan pa rin nila. Ganoon pa man, ipinagtataka pa rin ng ilan kung paanong nakaligtas ang kanilang mga ninuno noon, gayong wala silang sapat na lakas upang matalo ang mga malalakas na halimaw na umataki sa kanila; nagtataka rin sila kung paanong nandirito pa rin ang kanilang populasyon at patuloy na lumalago. Dahil sa hindi maipaliwanag na mga pangyayari, isang kuro-kuro ang nabuo at kanilang pinaniniwalaan... Naniniwala sila na mayroong isang Makapangyarihang nilalang ang prumotekta noon sa kanilang mga Ninuno. At magpa-hanggang ngayon ay naniniwala sila na ang nilalang na ito ay patuloy lamang silang binabantayan. Written on the year 2020

Announcement

Continue Reading on Wattpad
Allastor...
by NimrodAlfheimr
2.1K
445
59
Wattpad