NAGPAALAM KA MUNA
By HuraidaAmping
0
0
0
  • Poetry
  • paalam

Description

alam ko lahat ng simula may katapusan lahat ng daan may patutunguhan at lahat ng pagmamahalan may hangganan pero sana, ako muna'y iyong binitawan bago mo ako pinalitan ang daya mo kasi sabi mo uupo ka muna para magpahinga upang magkaroon ng lakas para ipagpatuloy ang ating istorya pero bakit noong handa ka na, meron ng siya? sabi mo hindi dapat ako mabahala dahil walang namamagitan sa inyong dalawa pero bakit siya ang una mong kinakausap pagka-gising sa umaga habang ako'y hindi mo magawang ikumusta? bakit ang bukambibig mo'y laging siya kahit ako ang iyong kasama? bakit kapag nagtatampo s'ya nagawa mong suyuin pero ako'y hindi mo kayang intindihin? kung marami man akong pagkukulang, pasensya may pagkukulang ka rin naman pero hindi ko hinanap sa iba pasensya kung nasaktan kita nasaktan din naman ako nang nakita kang masaya kahit 'di ako ang dahilan ng iyong pagtawa sana sinabi mo sa'kin kung saan ako nagkulang para naman alam ko kung saan ko punan hindi yung basta-basta mo nalang akong pinalitan na hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan kaya ko namang tanggapin kung ayaw mo na hindi yung ginagawa mo akong tangang naghahabol sa taong naghahabol ng iba kaya ko namang magparaya kung di kana masaya pero sana'y bago ka naghanap ng iba

nag pa alam ka muna

Continue Reading on Wattpad
NAGPAALAM...
by HuraidaAmping
0
0
0
Wattpad