pinili kita pero pi...
By HuraidaAmping
0
0
0
  • Poetry
  • heartbroken

Description

Mahal kita Pero mahal mo siya Pinili kita Pero pinili mo siya Ilang beses akong nagtapat Hindi pa ba iyon sapat? Ilang beses akong nasaktan Hindi mo man lang alam Kasalanan ko bang ibigin ka? Kasalanan ko bang mahulog sa isang lalaki katulad mo, sinta? Hindi ko alam kung bakit ang puso ko'y tumitibok para sa iyo Gayong alam ko naman na hindi mo kayang pantayan ang pag-ibig ko Araw araw kitang nakitang kasama mo siya Tamis ng ngiti mo ay hindi maipinta Kapag kasama kita parang naiinip ka Bakit ang sakit mong mahalin, bakit ba? Palagi nalang ba akong ikalawang pagpipilian Pinipili lang kapag may kailangan Kay sakit na ako lang pala ang umaasa Na balang araw, maging tayo na Ako ang palaging nasa tabi mo upang alalayan ka Ako ang palaging kasama mo sa iyong mga problema Akala ko ako ang pipiliin mo dahil may pinagsamahan tayo Pero hindi pala, dahil iba pala ang gusto mo

pinili kita pero pinili mo sya

Continue Reading on Wattpad
pinili ki...
by HuraidaAmping
0
0
0
Wattpad