Sketches Memories
By ascotiaicel
1.6K
101
9
  • Romance

Description

May taong para sayo sabi nga ng lola ko ang bawat isa sa atin ay may nakatakda, nakatakda sa isa't -isa upang patunayan ang salitang pagmamahal.... "Handa na ba ang liham nyo"? Tanong ni Miss Girlie ang aming pretty chubby na Filipino Teacher Marami akong mga kaklase na naghiyawan, nagtuksuhan, kinilig nag papadyak sa “kuryente feeling” na sinasabi nila. Pero ako… pasmadong kamay at nangangatog na tuhod ang nararamdaman . "Ok, I-claclarify ko lang ang gagawin natin ngayong araw,itong pagbibigay ng liham ay included sa ating lesson binigyan ko lang ng "twist" kasi kayo na rin ang nagsabi first year pa lang kayo pinag-aaralan nyo na ang lesson tungkol sa liham pero ngayon bibigyan natin ng “kilig”. Kilig hindi para mag-asawa kayo ng maaga hah? Kuha nyo ba?!" Ang mala- Miss Minchin na boses ng aming Filipino teacher. "Gagawin natin ito para maiparating yung mga gusto nyong sabihin sa inyong “crush” ayieee… pati tuloy ako kinikilig. "Mag ti-time travel tayo kung paano mag-usap at ipahatid yung mga liham noon. Kuha nyo ba?!" Tanong ulit ni Miss Girlie "Opo"!!! Sigaw naming lahat "Yes Miss Girlie ready-ing ready na kami game na!" Sigaw ni Tristan ang atat kong kaklase "O Edi ikaw na mauna" hirit ni Miss Girlie kay Tristan "Ayoko ko po Miss! Pang “finale” tong’ liham ko" sabi ni Tristan na napaka yabang! "Okaaayyy Sino ang maglalakas ng loob para basahin ang kanilang liham?" Walang nagsitaasan ng kamay, tumiklop na parang mga tuko sa kanilang mga upuan sino nga ba ang gustong mabuking ang kanilang secret tungkol kung sino ang kanilang “crush ” ” type” or ano pa mang label o tawag nila. "Aba! Paano tayo matatapos ng maaga hah?! May practice pa kayo ng “Noli” after nito!"Sabi ni Miss Girlie "Hoy! Mga kapalmuks dyan! pumunta na kayo sa harapan! Bilisan nyo na ang aarte ninyo" Sigaw ni Ralph ang COCC ng klase Sige na nga ako na! Ang duduwag ninyo!

Pad Paper

Continue Reading on Wattpad
Sketches...
by ascotiaicel
1.6K
101
9
Wattpad