Description
Books were so many fictional characters but it taught us how to love with only one person. Maraming naitulong sa atin ang pagbabasa, maaaring ito ay may positibo o negatibong epekto, depende sa sumulat ng libro at kung paano natin bibigyang kahulugan ang bawat salita na nasa loob nito. Madalas, dito rin natin natutuklasan at natutunghayan ang tunay na pag-ibig... Pero kagaya nga ng palaging sinasabi ni Kirsten Turner "Opening a book is like unlocking a door to a world where imagination knows no bounds." Sa malungkot na reyalidad, sa libro din natin matatagpuan ang pag-ibig na mas madalas ay kathang-isip lamang. Halos limang taon ng writer si Kirsten at iyon na ang naging buhay niya. Kagaya ng mga nasa libro na puno ng imahinasyon, ganoon rin ang kaniyang buhay at ang kaniyang pag-ibig ay tila mga alon sa karagatan na hindi tumatagal ang pagdampi sa buhangin. Pero paano kung isang araw ay muling magtagpo ang landas nila ng binatang lalaki na naging first love niya noong bata pa siya na nagmula sa taong 2003 sa kasalukuyang panahon at dumagdag pa rito ang isa ring gwapong heartthrob na sinasabing siya raw ang mapapangasawa nito na nagmula naman sa taong 2023? Sino ang pipiliin niya? Ang first love niya na nagmula sa past o ang to-be her husband na nagmula sa future? Halina't alamin ang mga nakatagong sekreto sa likod ng mga kwento at kung paano haharapin ni Kirsten ang pag-ibig na nagmula sa magkaibang panahon.
PROLOGUE
