Tale Of Enchanted H...
By Miss_lesaghurl
253
19
0
  • Fantasy
  • dreams
  • enchanted
  • journey
  • kingdom
  • loveatfirstsight
  • lovers
  • paralleluniverse
  • power
  • princess
  • queen
  • royal
  • tale
  • travel
  • women

Description

Lumaki sa lansangan at mulat sa hirap ng buhay, hindi na pagsubok para kay Aya ang mabuhay nang mag-isa. Namulat man na hindi batid ang tunay niyang pagkatao at pinagmulan, natutunan niyang gumawa ng paraan upang patuloy na mabuhay sa kabila ng kaniyang mapait na kapalaran at karanasan sa mundo. Sa pagnanais na malaman ang katotohanan sa kaniyang tunay na pagkatao, binalikan niya ang baryo kung saan naroon ang ampunan na unang kumupkop sa kaniya. Muli niyang nakita ang kaniyang Lola Bing, na siyang unang nagparamdam sa kaniya ng kalinga. Ngunit hindi niya alam na ang kaniyang pagbabalik sa baryo na iyon ay kasabay rin ng isang naka-ambang panganib at malaking pagbabago sa kaniyang buhay. Ang alamat tungkol sa mundo ng Avediana kung saan matatagpuan ang apat na mahiwagang kaharian ng Azalea, Revela, Eridia at Tiana ang kuwento na palaging isinasalaysay kay Aya ng kaniyang lola Bing noong siya ay musmos pa at unang napunta sa ampunan. At sa biglang pagbali ng tadhana at kapalaran, tila naging makatotohanan ang lahat para kay Aya nang mapunta siya sa mundong iyon na buong buhay niya ay inaakala niyang isa lamang pantasya. Ang makabalik sa tunay niyang mundo ang naging una niyang layunin. Ngunit may isang suliranin. Kailangan niyang magpanggap na si Prinsesa Gabriella-- ang nakatakdang ikasal kay Prinsepe Martin. Date started : November 10, 2023 Date ended: Language : Tagalog Book cover by: Ajjay_Arts✨

DISCLAIMER

Continue Reading on Wattpad
Tale Of E...
by Miss_lesaghurl
253
19
0
Wattpad