Description
Disclaimer: Huwag Kang Ma-trigger. Ang kuwentong ito ay para sa mga bitter. Ilan sa mga paraan ng paggu-goodbye sa Earth ay pagpigil ng sariling paghinga, pagpapatattoo gamit ang pako na may kalawang at pag-inom ng muriatic na hindi expired. Pero alam ba ninyong isa ring paraan ng pagpanaw nang maaga ang pagiging shungek at pangungunsumisyon sa buhay? Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Magdalena--ang babaeng mahilig, mahilig maimbyerna at maraming ipinaglalaban. Isa siyang showbiz columnist na walang ibang ginawa kundi ang magsulat ng issue tungkol sa mga loveteams at artistang sinasamba ng ating henerasyon. Ngunit nang naisin niyang maging seryosong mamamahayag, doon naman siya naipit sa gulo ng pulitika at nanganib ang buhay. Authors note: Huwag kayong ano. Naka-mature content ito hindi dahil may SPG o bayolenteng eksena. Inilagay ko ito sa Mature Content dahil sa mga issues na aking mababanggit na para lamang sa mga MATURE na mag-isip. Cheos... [Parang 'di naman]