"SANTELMO"
By MarianroseLimon
4
0
0
  • Horror
  • marilyn

Description

Naglalakad lang kami pauwi galing kaarawan ng kaibigan namin at ang dinadaan namin ay isang lib-lib na lugar kung saan wala kang makikitang bahay at tanging mga puno lamang ang makikita mo nang biglang nagsalita si David, isa sa mga kaibigan ko. "Kita niyo ba 'yung may poste na may ilaw? at sa tabi niya may ilog? Ang sabi ni Lola diyan raw namatay si Ate Hera." "Hala? Totoo po ba 'yan Kuya David?" Saad ni Kishien nang bigla na lamang napahawak sa kamay ko. "Kuya David, nakakatakot naman baka mamaya makakita tayo ng multo" Lumapit sa akin si Aleziandria at hinawakan ang braso ko. "Ano ka ba naman David, kita mong naglalakad lang tayo pauwi itong mga bata tinatakot mo." Inis na sabi ko sa kaniya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. "Totoo naman kasi, ang sabi pa ni Lola kaya raw siya nagpakamatay ay dahil sa nalaman niyang nagloko ang asawa niya at balak maghigante pero sa tingin ko naman ay hindi totoo 'yun." Napatigil kami sa paglalakad dahil may narinig kaming kaluslos na sa tingin ko ay malapit lang sa kinatatayuan namin nang biglang humangin ng malakas. Napatingin ako sa paligid habang napahawak nang mahigpit sina Aleziandria at Kishien sa'kin. "A-Ate, a-ano 'yun?" Kinakabahan na sabi sa'kin ni Kishien. "Wala lang 'yun, siguro kailangan na natin magmadali sa paglalakad baka abotin tayo ng ulan." Pinagsawalang bahala ko na lamang kung ano man ang nasa paligid namin at tinatagan ko ang loob ko. "Clara, malapit na tayo sa ilog at paalala lang huwag kayo mag-iingay baka magambala natin ang kaluluwa ni Ate Hera." Kabadong sabi ni David habang nasa daan lang ang tingin namin. Nasa ilog na kami lahat ay walang imik bagkus binilisan pa namin ang aming paglalakad at tunog lamang ng mga yapak ng paa namin at huni ng mga insekto ang naririnig nang bigla na naman umihip ang malakas na hangin walang ilaw sa dinadaanan namin kaya napatigil kami saglit upang kunin ang cellphone ko upang gawing pang-ilaw. Like for part 2

"Salmento"

Continue Reading on Wattpad
"SAN...
by MarianroseLimon
4
0
0
Wattpad