Description
Ngayon na maayos na ang relasyon ni Samantha at Alex ay muling nakakaramdam ng pangungulila si Samantha sa hindi niya malamang dahilan. Pakiramdam niya ay may kulang pa sa kanya, na meron pa siyang kailangan alamin at hanapin. Pero paano pagsasabayin ni Samantha ang personal niyang problema sa problema nila ni Alex kung ang isang nakaraan nito ay nagpakita sa kanila sa mansyon na mayroong isang masakit na rebelasyon para magulo ang kanilang nagsisimulang relasyon. At paano pipili si Samantha sa isang desisyon sa pagbabalik ng isang tao na matagal niyang hindi naalala at kukumpleto sa kakulangang nararamdaman niya. Ano ang uunahin niya ngayong alam niya na ang isang katotohanan pero meron siyang kailangang protektahan, ang puso niya o ang taong kailangan siya.