Description
ARRANGED MARRIAGE. 'yan ang naging dahilan kung bakit nakasal sina Nadine at James. Si James Rodriguez, isang guwapo, may matipunong pangangatawan, matalino, at magaling sa pakikipag-deal sa kanyang mga business partners kaya sa edad na dalawampu't apat ay inaasahang papalit ito sa kanyang ama bilang CEO ngunit isa namang sasaksakan ng suplado. Sa utos ng magulang ni James ay kailangan niyang pakasalan si Nadine Alcantara na isang maganda ngunit manang kung tawagin sa kanilang opisina dahil sa kanyang pananamit, siya raw ang living Betty Lafea na nage-exist sa kanilang opisina na laging may suot na makapal na salamin sa mata, NBSB, at sa edad na dalawampu't tatlo ay walang ibang inisip kung hindi ang magtrabaho para buhayin ang kanyang pamilya na umaasa sa kanya. May maganda kayang maidulot ang arranged marriage kina Nadine at James?