Laging Stop ang Pag...
By cdloza
1.4K
29
0
  • Romance
  • bagongmanunulat
  • chicklit
  • filipino
  • friendships
  • jadine
  • kakaibangkwento
  • mgabagongboses
  • modern
  • pag-ibig
  • romance
  • tagalog
  • trailblazers
  • wattys2016
  • wattysph
  • woman

Description

Sa mga rom-com, pansin nyo ba ang best friend ng leading lady? Ang comic relief? Yung parang walang buhay sa labas ng mga bida? Pag nagkita sila ni leading lady, love life lang ni leading lady ang topic at out na sa eksena pag hindi na kailangan. Usually, plain looking siya. Minsan chubby pa at pag galit ang writer, ginagawang jubese. Ganyan ako. Hindi jubese (chubby lang, no), pero invisible madalas pag kasama ko ang kaibigan kong pang leading lady material. Ang complete name ko ay Maria Belbes. Yun lang talaga. Wala ng kasunod ang Maria. Di ba ang ibang mga babae parang joke time lang ang Maria sa name nila? Tipong Ma. Lourdes Maricel Churva. Ako hindi, yun lang talaga ang pangalan ko. Minsan pag tinatamad ako, nilalagay ko lang Ma. Belbes. Tipid sa effort. Tinanong ko minsan ang nanay ko bakit yun pinangalan nila sakin. Sabi nila, yun ang una nilang naisip. Actually dapat may kasunod pa, kaso hindi sila nag-agree kung Nora o Vilma. Vilmanian ang nanay ko, Noranian ang tatay ko. Buti na lang hindi sila nagkasundo at naging Maria lang ang pangalan ko. Hindi ata bagay ang Maria Nora o Maria Vilma sa akin. Muntik na akong maging Maria Nora Vilma o Maria Vilma Nora pero hindi din sila nagkasundo kung Nora o Vilma ba dapat ang mauna. Parang billing lang. Buti naman. Child abuse na ang tatlong pangalan. Ito ang kwento ko. Ito ang boses ko.

Chapter One: Me. I Am Maria.

Continue Reading on Wattpad
Laging St...
by cdloza
1.4K
29
0
Wattpad