Daigdig Ng Pilipina...
By petownerlove
8
1
2
  • Poetry
  • country
  • historical
  • pilipinas

Description

Di mo man sabihin, aking nababatid, Ikaw'y naglalakbay sa Bagong Daigdig; Paraisong dati'y hinanap, inibig, Alaala na lang na di magbabalik Sabay sa pagsikat ng Bagong Umaga, Naglaho nang ganap ang pangungulila; Hungkag na buhay mo'y mabigyan ng pag-asa, Ang Bagong Lipunan, may handog na ligaya. Ngunit ang lipuna'y hindi nagwawakas, Sa mga pangako at mga pangarap; Damdaming dakila at diwang matalas, Siyang magbubukas sa malayang pugad. Pag-unlad ng bansa'y may hatid-pangako, Na ang kalinanga'y dapat na mabuo; Kulturang pambansa'y di dapat isuko, Hayaang magbunga't mabusog sa puso. Ngunit tila yata nalilimutan mo, Mga kaugaliang buhay-Pilipino, Ang lahat ng ito ay pagyamanin mo, Ay nasyonalismo'y mapapasaiyo. Ang pagkakaisa'y pagbabayanihan, Nag-usbong sa diwa't lahing makabayan, Kung sasariwain at pagbabalikan, Ang pagkakabuklod ay masisilayan. Sa pistang-bayan masasaksihan mo, May perya't pabitin saka palo-sebo, At ang santakrusan ay pinagdarayo. Sa mga tahana't pook na dakila, Ang tanging biyaya'y moral na adhika; Payo ng magulang ay banal na wika, Sa mabuting anak ay buhay na nasa. Ang lahat ng ito'y pamana ng lahi, Gabay nitong bansa't dangal nitong lipi; Kaya't magsikap ka, tuwa'y magbibinhi, Ikaw'y Pilipinong dapat na maghari.

Daigdig Ng Pilipinas

Continue Reading on Wattpad
Daigdig N...
by petownerlove
8
1
2
Wattpad