Hit by Pitch [Slow...
By KazeYurei
437
60
32
  • Random
  • base
  • baseball
  • batter
  • catcher
  • gxg
  • mitt
  • pitch
  • pitcher
  • players
  • random
  • slugger
  • sports

Description

Sa baseball ang hit by pitch o deadball ay ang tawag sa pitch na tumama sa batter. Ito ang first pitch ni Saffron pero at that time para kay Nutmeg kahit pa bad pitch iyon para sa kanya iyon ang the best na pitch ni Saffron. Tumaba ang puso ni Nutmeg nang maramdaman niya ang passion at trust ni Saffron sa pitch niyang iyon. Nangako siya sa sarili niya noon na ilalabas niya ang potensyal ni Saffron, ito kasi ang ideal pitcher niya. May individuality ito sa mound, hindi siya basta-basta sumusunod sa call ng catcher kaya marami sa senior nila ang nagagalit dahil sila pa raw ang sumusunod sa pitcher. Tyrant ito ang moniker ni Saffron kapag nasa mound. Nang marinig ito ni Nutmeg halos naiyak siya sa katatawa. Sa kanya kasi nagsusumbong si Saffron kapag hindi niya na kaya balewalain ang pagpaparinig ng mga inggitera nilang teammates. Sinasabi na lang ni Nutmeg na titigil din sila at magfocus na lang sa paglalaro. Pero kapag wala si Saffron tinatakot niya rin ang mga senior nila. Noong una pinagtawanan pa siya at binully pero kalaunan tumigil din sila dahil sa mga record na nakuha ni Nutmeg na gagawa ng malaking eskandalo kapag lumabas. Ganun pa man kahit na tumigil sila sa pagpaparinig ay nagawa pa rin nilang papangitin ang image ni Nutmeg sa bago nilang head coach na gusto lang magfocus sa pitcher. Wala itong paki-alam sa mga player na tingin niya ay walang espesyal na kakayahan. From main catcher na-demote si Nutmeg sa pagiging bullpen catcher. Hindi siya nagprotesta dahil last year na naman nila sa middle school. Nawala sa isip niya na with her stepping down naiwan sa itaas si Saffron at sa clutch ng bago nilang Head Coach. Dahil dito naging Tyrant talaga si Saffron, nagkaroon ng restraint ang bond nila. Hanggang sa isang araw nilapitan siya ni Saffron at sinabihang, "Huwag mo na ako sundan. Hindi na kita kailangan." Ano ba puwedeng sabihin dun? She was speechless by the time na makabawi siya, nakaalis na si Saffron. That was her second mistake. -

Disclaimer!

Continue Reading on Wattpad
Hit by Pi...
by KazeYurei
437
60
32
Wattpad