Description
MIDNIGHT SCREAM COLLABORATION|| Soon to be publish under PaperINK Publishing House BLURB Paano kung sa bawat pagsapit ng hatinggabi ay hindi na ikaw ang may kontrol ng 'yong sarili? Sa ibang katauhan ay kapahamakan ng mga tao sa paligid mo. At ito rin ang lalabanan mong sumpang itinakda sa'yo. Dahil sa panlilinlang ng pag-ibig, isinumpa ni Cassandra ang lalaking minahal niya na si Joel. Ang unang babaeng anak na magmumula sa kaniya ay magdudulot ng nginig at kilabot sa bayang sumumpa rin sa kaniya, at 'yon ay ang naging apo ni Joel na si Luna. Itinago ni Joel sa kaniyang apo na si Luna ang tungkol sa sumpa sa kaniya. Nguni't ang isang gabi ng pagpuslit ni Luna para katagpuin ang kasintahan ay maglalantad ng lihim na maging siya ay hindi niya alam, at maglalagay sa kaniya sa kapahamakan. Mawawala pa kaya ang sumpa? o mauulit sa kaniyang kasaysayan ang sinapit ni Cassandra?