Description
✔️Right Decision ❌Wrong Decision Lahat tayo ay may karapatang mag desisyon para sa ating buhay. Minsan gumagawa tayo ng desisyon na hindi natin alam kung tama o mali ba ito, kung ikakabuti o ikakasama sa ating sarili. Araw-araw ay nag dedesisyon tayo para sa ating pang-araw-araw na gawain tulad ng kung gagawain ba natin ito o ipagpaliban mona. Bawat desisyon na pinipili natin ay puwedeng makaapekto sa ating kinabukasan kung kaya't bago mag desisyon ay pag -isipan mo na ng mabuti. Hindi maiwasan ang gumawa ng maling desisyon sapagkat tayo ay tao rin ngunit puwede itong maitama. Nasa atin kung saan tayo patungo, upang hindi tayo maligaw ng landas ay habang maaga pa ay itatama na ang mga maling desisyon sa buhay at tandaan natin na hindi tayo nag-iisa nandiyan ang pamilya, kaibigan at lalo na ang Panginoon na tutulong satin upang mapawala sa maling landas na tinahak natin.