The Legion [ ongoin...
By oyaoyaoyassilem
2.5K
193
34
  • Action
  • abilities
  • evernight
  • fantasy
  • injustice
  • killings
  • political
  • power
  • vigilante

Description

[ TALE #2 ] Sasapit na naman ang halalan sa Haered, muli na namang nagsilabasan ang mga taong nais makamtan ang pinakamataas na kapangyarihan sa islang ito. Mga kandidatong nais tumakbo upang maisalba ang sarili habang nakikinabang sa mga ipinagbabawal na gawain sa lungsod. Mga kandidatong puno ng pangakong palagi namang napapako. Mga kandidatong sa halip na ang interes ay nasa paglilingkod sa taumbayan, nakatutok lamang ang mga ito sa pagpapalago ng kanilang mga kayamanan. Ang mga pinuno ng pamahalaan dapat ang tumutulong sa mga taong kahit na anong kayod sa buhay ay hindi pinagbibigyan ng tadhana. Ngunit ibang uri ng mga pulitiko ang kinalakhan nina Kalista at ng iba pang miyembro ng The Legion. Sa halip na maglingkod, sila pa ang pinaglilingkuran. Sa halip na gamitin ang buwis ng mga mamamayan sa paraang mapakikinabangan ng buong lungsod, ninanakawan nila ang kaban ng bayan. Sa halip na magpalaganap ng kapayapaan, sila pa mismo ang nagpapairal ng kawalan ng hustisya at kaguluhan. "Yaong mga nagkasala ay dapat pagbayarin--hindi ng batas, kung hindi kaming bahagi ng Lehiyon." --- Simula: Abril 08, 2022 Wakas: --- --- PAALALA: Ang kuwentong ito ay naglalaman ng tema at karahasan na hindi maaari sa mga bata at mahihina ang sikmura.

Tales in Evernight

Continue Reading on Wattpad
The Legio...
by oyaoyaoyassilem
2.5K
193
34
Wattpad