Description
Walang pamilya, may trabaho ngunit laging napag-iinitan, at higit sa lahat, itinuri ng kontrabida kahit wala pang nagagawang masama. Malungkot na nga sa kasalukuyang buhay, kontrabida pa at nakatakdang bitayin pa sa storyang ako naman ang nauna kaysa sa ibang babae. "Andwae! Isekai na nga tapos kontrabida pa. Apakawalang originality," himutok niya at tumingin sa alalay. "Kuha mo kong diary, sulatan, o kung anuman tawag niyo doorn." May ngiting kay tamis ang ibinigay nito sa kaniya. "Sulat alay kay Ginoong Fernando?" Nalukot ang kaniyang mukha sa kasuka-suka nitong ideya. "Susulatan ko sarili ko para iwas karupukan. Fernando-Fernando pinagsasabi mo diyan." Entry #1 Ganda mo, selp, pero hindi ikaw ang bida sa storyang 'to. Sa hindi malamang dahilan napunta ka storyang Pag-ibig na Wagas at ikaw ang so-called kontrabida. Maghunus dili ka at 'wag mahulog sa Fernandong walang balls na iniwan ka dahil naging sleeping beauty ka ng ilang taon. Uulitin ko, ganda mo.
Pasilip
