RIVER BOAT
By pinkishrose02
6.0K
374
38
  • General Fiction
  • action
  • filmmaker
  • fisherman
  • island
  • journalist
  • romance
  • vlogger
  • writer

Description

DESCRIPTION: Masayahin, makulit, supportive at malambing. Ganiyan kung ilarawan ng kaniyang mga kaibigan ang dalawangpu't dalawang taong gulang (22year old) vlogger na si Stephanie Louise Dollente. Wala pang isang taon bilang isang vlogger ang dalaga nang magpasiya silang magkakaibigan na magtungo sa isang isla sa lalawigan ng Quezon para sa kanilang gagawing pananaliksik, at upang suportahan din ang kaniyang matalik na kaibigan na si Scarlet Cecelia Vargas-dalawangpu't limang taong gulang (25year old) isang aspiring film maker sa gagawin nitong maikling pelikula. Sa kanilang pananatili sa isla, isang lihim ang matutuklasan ng dalaga na siyang mag u-udyok sa kaniya upang agaran nilang lisanin ang isla. Ngunit sa kasamaang palad, bago pa man sila makaalis sa lugar ay nalaman na ito ng matandang lalake na siyang namumuno sa isla kung kaya't inutasan nito ang kaniyang mga tauhan na dukutin ang magkakaibigan at patayin. Hanggang sa isang gabi, natuklasan na lamang ng dalaga at ng kaibigan nitong si Noel Christian Villanueva-dalawangpu't limang taong gulang (25year old) isang aspiring journalist, na nawawala na ang kanilang mga kaibigan. Upang agad na makahingi ng saklolo ay nagpasiya ang binata na paunahin patakasin ang dalaga sakay ng bangka na siyang maghahatid sa kaniya patungong Bayan. Ngunit hindi pa man nakakalayo ang dalaga sa isla ay nasundan na siya ng mga tauhan ng matandang lalake. Hanggang sa dalhin ng alon ang dalaga sa Isla Blanca kung saan makikila niya si Gabriel Vrix Samonte-dalawangpu't anim na taong gulang (26years old) isang mangingisda na siyang tutulong sa dalaga upang bigyan hustisiya ang pagkawala ng kaniyang mga kaibigan. Date Started: February 3, 2022 Date Finished: February 10, 2022

DISCLAIMER

Continue Reading on Wattpad
RIVER BOAT
by pinkishrose02
6.0K
374
38
Wattpad