Description
Isang araw, natagpuan ni Aleesha ang isang simpleng, blangkong libro. Hindi niya inaasahan na ito ang magiging daan upang maisulat ang kanyang kwento. Mahilig siyang magbasa, ngunit ang librong ito, kakaiba. Isang pag-ibig na tila hindi magiging totoo. Isang relasyon sa isang lalaki na tila galing lamang sa kanyang imahinasyon. Isang pag-ibig na may kasamang sakit, dahil mahal niya ang isang taong may mahal na iba. Isang karakter mula sa isang libro na kanyang minahal. "Ibig sabihin ba, siya'y nasa libro, at ikaw naman ay nasa mundo?" Isang pangakong kanyang ginawa, kahit na ito'y nagdudulot ng sakit. "Gaya ng aking sinabi, bibigyan kita ng masayang pagtatapos... kahit na ang puso ko'y nasasaktan dahil hindi ako ang makakasama mo hanggang sa huli." "Ikaw ang una at huling libro na minahal ko, at patuloy kong mamahalin... hanggang sa muli, kung ang ating pag-ibig ay maisusulat muli, kahit na saglit lamang." Enero 21, 2022 (Edited july 2025)
" work of fiction"
