Description
Ano nga ba ang pakiramdam ng minamahal ka pabalik ng taong mahal mo? Iyan ang tanong ni Viatrice Isavielo, na siyang nagmamahal nang totoo kay Vincent Lee. Dahil matalik na magkaibigan ang kanilang mga mga magulang, kinailangan nilang magpakasal dahil sa problema ng negosyo ng pamilya ni Vincent. Bagamat pabor sa dalaga ang kasunduan, dahil sa lihim niyang pagmamahal para sa binata, ay siya namang pagkamuhi ang naramdaman ni Vincent para kay Viatrice. Ngunit dahil sa kanilang magulong pagsasama, bigla na lamang nagbago ang isip ni Viatrice, at siya ay nagdesisyon na umurong sa kasal. Ngunit paano kung, kailan sumuko na si Viatrice ay 'tsaka naman napagtanto ni Vincent na tuluyan na nga siyang napaibig sa dalaga, at hindi pala niya kayang mawala ito sa kanya? Is he able to win her back, o huli na nga ang lahat para sa kanilang dalawa?