THE HEALER KNIGHT [...
By DreamGates
718
42
1
  • Fantasy
  • darkness
  • goodandevil
  • healer
  • herbal
  • hero
  • knights
  • magic
  • medical
  • medicine
  • prince
  • sorcery
  • sword

Description

[FANTASY COLLABORATION SERIES | COMPLETED] Sa mundong hindi nakikita at naririnig ng mga tao, isang binata ang makakamit ang kan'yang kalayaan mula pa sa pinakamalalim at pinakamadilim na selda ng karit-an. Isang binatang may madilim na nakaraan sa kamay ng isang kilalang grupo sa underworld market, ang Midnight Org. Si Fort Galen, isang binatang mukhang delingkwente dahil sa kan'yang pilat sa kanang kilay at marka sa kan'yang leeg na kailanman ay hindi na mabubura. Ngunit sa kabila ng kan'yang panlabas na anyo, siya ay may taglay na kahusayan sa larangan ng salamangka at medisina na sinanay ng kan'yang lolo. Sa murang edad ay ginawaran ng lisensya ng Grannus, isang kilalang institusyon na naggagawad ng kakayahan sa isang indibidwal na manggamot. Subalit sa kabila ng kabihasaan niya ay isang bagay pa ang gusto niyang gawin at iyon ay ang maging isang ganap na kabalyero, ang kauna-unahang Healer Knight sa tala ng kanilang kasaysayan. Tinutulan iyon ng kan'yang lolo dahil batid nito ang kan'yang magiging kapalaran para sa healer na kagaya niya. Subalit sa kabila ng agamagam ng kan'yang lolo ay sinuportahan siya nito at nagtungo sa Faris, isang institusyon na naggagawad ng lisensya upang maging kabalyero ng Ragnar. Hindi man niya batid ang kan'yang hinaharap ay nagpatuloy siya dala ang determinasyon at pusong pinatibay ng kan'yang karanasan.

Kabanata I (Fort Galen)

Continue Reading on Wattpad
THE HEALE...
by DreamGates
718
42
1
Wattpad