Description
Lumaki si Jecialle sa madilim na mundong ginagalawan niya. Wala siyang ibang ginusto kung 'di balang araw makita niya ang magandang mundo na sinasabi ng marami. Hindi naman siya nabigo sa gusto niya, nagkaroon ng misteryosong eye donor para sa operasyon niya. Nagkaroon si Jecialle ng pag-asa na lumiwanag ang mundo niya at masilayan ang makulay na paligid. Ngunit sa pagliwanag ng mundo niya, doon naman nagbukas ang tila pintuan patungo sa kababalaghan. No'ng una'y inisip ni Jecialle na guni-guni lang iyon ngunit pinagtakhan na niya ang nangyayari nang kahit saan siya pumunta may nakikita siyang kakila-kilabot na nilala. Ang babaeng walang mga mata at lumuluha ng dugo. Nagmamakaawa. May kinalaman ba ang katauhan ng donor ni Jecialle sa kababalaghang nararanasan niya? Sino kaya ang donor niya?