Description
Disclaimer: Ang ilang senaryo na mababasa sa kwento ay aktuwal na nangyari sa totoong buhay.Ito ay mas pinalawak lamang ng manunulat upang mas maging kapana-panabik ang mga eksena. ..... 'Sa paglabas pa lang ng pinto ay naramdaman ko na agad ang lamig ng simoy ng hangin. Nasa Baguio kami kaya malamig, pero sa partikular na oras na 'yon ay waring ibang klase ng lamig ang naramdaman ko. Nakakapangilabot at waring ang lamig ay nararamdaman ko hanggang sa kaibuturan ng mga kalamnan. Makapal na ang suot kong jacket sa lagay na 'to ngunit ganon pa rin talaga. Ganito ba sadya ang klima sa Baguio? Hindi pa nakatulong sa alahanin ko ay sa pag-angat ng aking ulo upang masulyapan ang kalangitan, napansin ko ang kabilugan ng buwan. Mabilis akong naglakad at nagpunta sa malapit na kuhanan ng tubig. Nilagyan ng laman ang tumbler ko ngunit sa mga oras na 'yon ay waring napakabagal ng pagdaloy ng tubig sa lalagyan dahil hindi mapuno-puno ang tumbler ko. "Neng? Bakit gising ka pa?"napaigting ako sa narinig. Sa boses ng matandang sumulpot na lang kung saan.' ...... Natapos noong October 19,2021