Description
TEASER Kakarating ko lang sa company ni scy para hatiran sya ng lunch box, pagdating ko don pinapasok naman agad ako dahil kilala na ako dito. Habang papasok ako sa company pinagtitinginan ako ng mga tao at nagbubulong-bulongan pa sila. May narinig pa nga akong bulong na "kawawa naman sya" pero pinagsawalang bahala ko nalang yon. Papasok na ako sa elevator papunta sa opisina ni scy. Kinakabahan ako pero diko mawari kung bakit, ganitong-ganito din yung nararamdaman ko nong niloko ako ni kyden wag naman sana. Habang papalapit ako may mga naririnig akong halinghing ng tao. Papalapit ako ng papalapit sa opisina ni scy at papalakas din ng papalakas ang halinghing parang ungol ng tao. Pipihitin kona sana yung doorknob ng may marinig akong ungol. "Ohh scyruff, thats it babe". Natatakot akong buksan ito pero nangingibabaw parin yung kuryusidad na malaman kung sino ang tao sa loob. Unti unti kung binubuksan ang pintuan, nanginginig pa yung mga kamay ko. Pagbukas ko ng pinto nakita ko sila scy at yung ex nya na kulang nalang maghubaran na sila. Bigla kung nabitawan yung lunch box na dala ko na nagbingay upang matigil sila sa ginagawa nila biglang nagsiunahang pumatak yung luha ko, wala naba talagang araw na hindi ako umiiyak. Natulala ako sa nasaksihan ko ngayon, akala ko iba sya kay kyden pero pareparehas lang pala sila. "Baby let me explain". Papalapit na sabi saken ni scy habang yung ex nya nakangisi itong nakatingin saken. Lumabas nalang ako dahil diko kayang makita sya sa ganong posisyon. Lakad takbo ang ginawa ko, malapit na ako sa elevator naririnig ko pang tinatawag ako ni scy bago nagsara yung elevator. Ng magbukas yung elevator lakad takbo ang ginawa wala na akong pakialam sa mga taong nakakita saken na umiiyak ang importante ay makaalis ako dito. _PLAGIARISM IS A CRIME.