Description
Si Letizia Zarnaih Montefalco ay isang normal lang naman na dalaga na may natatanging pangarap sa buhay... Ang guminhawa at makilala ang mga tunay na mga magulang. At dahil ulila na sya sa mga magulang, mula pagkabata ay sa kumbento na sya nakatira. Ang mga madre dito ang nagbigay sa kanya ng masisilungan, damit, pagkain at nagpaaral sa kanya. Ang isa sa mga madre na ito na nagngangalang Mother Superior ang syang mahiwagang madre na malapit sa dalaga. Ng mamatay ito, ay may inihabilin ito ukol sa kwintas. Ang dyamanteng kwintas na hindi lang magpapayaman sa kanya... Kundi magpapabago ng kayang kapalaran. At ayon nga sa propesiya, isang trahedya ang naganap sa sinasakyang school bus ni Letizia na ito na nga ag umpisa ng pagbabago ng kanyang kapalaran. Isang araw pagmulat nya galing sa aksidente ay nagising sya sa hindi pamilyar na mundo... Ang mundo kung saan sya ang estranghera dito. Makakaya nya kayang makipagsabayan sa mga taong nakatira dito na may mga hindi pangkaraniwang kapangyarihan? Start: 2021 End: 2023
💎PROLOGUE💎
