Description
Para kay Luca isa lamang gawa-gawa ng mga tao ang tungkol sa kapangyarihan o mga nilalang na may kakaibang abilidad na hindi pa napapatunayan ng kung sinoman. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magdadala sa kan'ya sa lugar o mundo kung saan namumuhay at nabubuhay ang mga bagay o nilalang na kailan man ay hindi niya inaasahang makikita at makakasalamuha ng totohanan. Ang mundo kung saan nag e-exist ang mga nilalang na nababasa at napapanood lamang sa mga Libro at Television. Ang mundo kung saan nabubuhay ang mga nilalang na may taglay na kapangyarihan. Ang mundo kung saan naninirahan ang mga nilalang na may kan'ya kan'yang lahi at kakayahan. At ito ang mundo ng mga... Immortal. Ang mundong saklaw ang akademyang magiging daan sa pagbuo ng pagkatao ni Luca. Ang MAHIKA ACADEMIA.