Description
Sinasabi nila na kapag may karelasyon ka, kailangan mong dumaan sa butas ng karayom. Tanggapin ang bad sides niya, tanggapin ang masakit na reyalidad, at tanggapin ang katotohanan na hindi kayo magtatagal. Paano kung pinagtagpo kayo, sinira ng panahon, pinagtagpo ulit, at sinira pa? Makakaya mo pa ba? Kakayanin mo pa bang kumapit sa relasyon na parang ikaw na lang ang sumasalba? Sa isang relasyon, dapat dalawa ang lumalaban. Paano kung iniisip mo na ikaw na lang pala ang lumalaban, pero ang katotohanan ay parehas pala kayong sumasagwan papunta sa rurok ng relasyon ninyo pero hindi niyo nakikita ang paghihirap ng isa'-isa nang dahil sa sarili ninyong mga isipin? Ilang beses na nasira ang tiwala, mga batuhan ng masasakit na mga salita... at mga panghuhusga. Paano pa ba mamumuhay sa mundo na hindi binibigyan ng importansya ang pagmamahal?