DIS #2: The Right O...
By TheMargauxDy
11.4K
591
256
  • Romance
  • themargauxdy

Description

DAYLIGHT IN SAN GUEVARRA SERIES BOOK 2 Payapa na ang buhay ni Badet. Nakapagtapos na siya ng pag-aaral at mayroon na rin siyang maayos na trabaho sa isang cafe. Hanggang sa may dumating na bagyo sa buhay niya. Ang pangalan ng super typhoon? Trent Esplana. Ang brother-in-law ng ate ni Badet na wala nang ibang ginawa kundi kulitin siya nang kulitin at pilitin na lumipat sa bagong gawa nitong restaurant. Aminado naman siya na naging crush niya noon ang lalaki. Sino ba naman sa San Guevarra ang hindi magkakagusto rito? Pero tahasan siya nitong ni-reject noon. Klaro rin sa kaniya na hindi ang mga katulad niya ang tipo ni Trent, e, ano ngayon ang trip nito? At itong makulit na puso naman ni Badet, na-reject na nga't lahat, mukhang bumibigay na naman. Pero hindi niya 'yon puwedeng hayaan mangyari dahil ang hudyo, iba-iba ang ka-date kada linggo. Ayaw niyang mapabilang sa koleksyon nito . . . tiyak ring makukurot siya sa singit ng ate niya.

TRO

Continue Reading on Wattpad
DIS #2: T...
by TheMargauxDy
11.4K
591
256
Wattpad