SAWI; Si Dante at a...
By LucasTravisZarick
79
12
4
  • Humor
  • lucastraviszarick
  • sawi

Description

Hindi ko alam kung bakit boxing ring ang tawag sa boxing ring kahit hindi naman ito bilog. Hindi ko alam kung bakit lemon square ang tawag sa cupcake na iyon kahit hindi naman s'ya hulig parisukat. Hindi ko rin alam kung ang dahilan ba ng sandamakmak na pagkakaroon ng fish kill ay ang dehydration at ang kakulangan ng hangin na hinihinga ng mga isda. Wala namang kinalaman ang boxing ring, lemon square at fish kill sa problema ko. Pero kagaya ng mga palaisipang ito sa mga tao, palaisipan rin sa akin kung bakit sa bawat relasyong pinapasok ko, eh sawi ako sa dulo? May itsura naman daw ako sabi ni mama. Malinis naman ako sa katawan, maayos manamit at hindi tatanga-tanga sa eskwelahan. Hindi rin naman ako palamunin sa bahay. May mga hidden talents naman ako pero sa ngayon nananatili parin silang hidden. Pero bakit kagaya ng pinagmulan ng hotdog, ang misteryo na hindi masagot-sagot ng kahit sino kung bakit hindi ko malaman-laman kung ano ba ang kulang sa akin at kung bakit sa lahat ng beses na sinubukan kong umibig, palagi nalang akong sawing umuuwi?

SYNOPSIS AND FOREWARNING

Continue Reading on Wattpad
SAWI; Si...
by LucasTravisZarick
79
12
4
Wattpad